Nakakatuwang isipin na sa kabila ng kaguluhan ng mundo, laganap na kasamaan at mabilis na takbo ng teknolohiya ay nananaig pa rin ang kabutihan. Tingin-tingin lang, maraming mga sangay ng pamahalaang lokal or mga "foundations" ang may mga gawaing simple pero alam natin na magdadala ng saya.
Pasko na naman...mahirap ang buhay. Pero kahit papaano, may tayo ay nakakaraos.
Naisip nila ang mga bata sa Africa ngayong Pasko...paano kaya sila?
Isang kahon ng sapatos,
laman ay lapis at kwaderno,
suklay at sipilyo para gwapo,
isang berdeng polo,
at isang "teddy bear"
na dati ay yakap ng anak ko.
Sa Paskong darating, ibang bata ang yayakap kay Teddy. Sabi ng anak ko, "That's my Teddy?". "Yes, it WAS."
Charity begins at home.
No comments:
Post a Comment